Latest Entries »

MERON PA BANG GANITO?

Pinagdarasal ko na sana makatagpo ako ng taong pahahalagahan ako… ung hindi ako babalewalain… ung maaappreciate lahat ng efforts ko… ung alam nya kung gaano ko sya kayang mahalin… ung magpapaiyak sakin, hindi dahil sa sama ng loob, kundi dahil sa sobrang kaligayahan… ung mamahalin ako ng tapat… ung magsasabi sakin araw-araw ng “mahal kita” ng walang halong kaplastikan… ung maipagmamalaki ako sa lahat ng tao kahit wala naman akong mga katangian na pwedeng maipagmalaki… ung hahalik sakin ng panakaw pag magkasama kami… ung yayakap sakin ng mahigpit pag nilalamig ako o kaya kahit pawisan ako o kaya kahit walang dahilan, ung basta gusto niya lang akong yakapin… ung laging hahawak sa kamay ko… ung tatawag sakin ng madaling araw kahit sobrang puyat sa trabaho para lang sabihin sakin na mahal niya ako… ung walang pakialam kung ano man ung suot ko, o kung ano man itsura ko, o kung mataba man ako… ung hindi ako ipagpapalit sa ibang babae sa mababaw na dahilan na, lamang lang ung babae sakin ng tatlong paligo… ung kakain ng peyborit kong pagkain kahit hindi naman talaga siya kumakain nun… ung tatawa sa joke ko kahit hindi naman nakakatawa…  ung makakasama ko sa pagtulog at paggising ko… ung aalalayan ako sa pagtawid sa kalsada… ung hindi magsasawang punuin ng “iloveyou” at “imissyou” ung inbox ko… ung iintaying matapos ung shift ko hanggang alas-tres ng madaling araw para lang makasabay akong matulog… ung gagawa ng paraan para makasama ako… ung tatawag sakin ng babe, baby, bhe, mahal, loves, loveydoves, sweetheart, darling, honey, pangga, wifey, at kung ano ano pang endearments… ung mangungulit sakin sa pagtatanong kung gaano ko siya kamahal… ung hindi mapapagod magtext ng magtext sakin… ung lalambingin ako pagkatapos namen magkatampuhan… ung parating may nakahandang ngiti para sakin… ung hindi ipagyayabang sakin kung gaano na kadaming babae ang dumaan sa buhay niya… ung iisipin ung mararamdaman ko sa bawat salitang bibitiwan niya, kung makakasakit ba o hindi… ung alam kung paano magsorry, lalo na pag alam niyang mali siya… ung hindi makakalimutan ung birthday ko at kung ano pang mahahalagang okasyon at bagay sa buhay ko… ung tatanggapin at mamahalin ung mga taong mahal ko… ung kayang pagaanin ung loob ko… ung magtyatyaga sa mga kapraningan ko sa buhay… ung magpapalakas ng loob ko sa tuwing kakabahan ako… ung iingatan ako ng buong puso… ung irerespeto ako… ung igagalang ako… ung hindi ako sasaktan… ung hindi ako lolokohin…  ung kahit hindi mangakong panghabang buhay na ung pagmamahal niya, basta kayang ipangako at kayang gawin na ako lang ung mamahalin niya habang akin siya… ung makukuntento na sa pagmamahal ko, ung makukuntento na sakin… ung matatakot na mawala ako sa buhay niya… hindi naman sa masyadong mataas ung hinahangad ko para sa taong magmamahal sakin… kung tutuusin, hindi mabigat ung hinihiling ko… gusto ko lang naman kasing maramdaman kung paano mahalin ng totoo… kahit isang beses lang sa buhay ko…

Advertisements

kami lang sana…

May mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko… mag let go… lalo na kapag nasasaktan na ako ng sobra… ung tipong nababalewala na ako… sabi nila igive-up ko na daw kasi nahihirapan at nasasaktan na ako… parang ako na lang daw parati ang umiintindi at umuunawa… parang nasasayang na daw lahat ng pagmamahal na ibinigay ko para sa kanya… pero naisip ko din na umabot na ko sa ganitong stage ng pagmamahal dun sa tao, baka naman kako it’s worth going this far… baka naman in the end, e maging masaya din ako dun sa taong pinili kong mahalin at makasama… baka kasi dumating din ung point na hindi na kami magkakaroon ng kahit anong complications… ung wala ng makikigulo samin… ung walang makikiagaw… walang makikieksena… walang epal… ung walang magiging third party… alam niyo un? Ung kami lang…

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!